This is an original idea from an anonymous ninja blogger who claims himself to be a conservative man. You may visit his site at http://ninjacreatesbloggy.i.ph
BABALA: Ang blog post na ito ay pawang kathang-isip lamang. Huwag ka’ng masyadong maniwala.
Siguro nagtataka ka kung ano’ng magiging koneksyon ng title sa magiging laman ng blog post na to. Ang sagot ay simple lang—-WALA, tol! Wala! Kaya huwag ka na’ng mag-isip. :
Ilang buwan na lamang ay opisyal na ako’ng independent. Semi-independent pala (hihingi pa ako allowance kay parents sa monday). Matagal ko nang hinintay na maging matanda ako. Bakit? Kasi ganito. Hindi ba nakakasawa pag tinatawag ka’ng totoy o ineng o bansot ? Hindi ka ba nangarap, noong ka-edad pa kita (asa ka naman, mas matanda ka sa’kin kaya), na sana lumaki ka?
Hindi nyo ba napansin, noong bata pa kayo, pinapagalitan kayo ng mga ermats nyo o pag may nakakita sa’yong bading tas ang sinasabi ay, “Bilisan mo’ng lumaki, ha?” O kaya tinatanong ka, “Ano kaya’ng magiging hitsura mo paglaki mo?” Naman. Ano naman kaya ang magiging sagot mo?
May mga iba naman, lalung-lalo na mga ninang at ninong nating namimigay ng pera tuwing Pasko o Chinese New Year, tinatanong ka kung ano’ng gusto mo paglaki. Ang karaniwang sagot natin ay Doktor, o Titser, o Abogado. Wala’ng nangarap maging Computer Analyst, o Biologist, o MedTech, o Dean ng UP-CoN. Kung kabilang man ang pangarap mo sa mga nabanggit, marahil ang mga rason mo dati ay ganito:
Doktor - dahil gusto ko’ng pagalingin ang may sakit/pra wala nang mgkasakit
Side comment: hindi mo ba naisip na kahit na punong-puno na ang bansa natin ng mga nars ay hindi naman umaangat ang estadong-pangkalusugan ng mga mamamayan, bagkus ay bumabagsak pa ito?
Titser - dahil gusto ko’ng magturo
Side comment: ganito ung rason ng pinsan ko dati nung ininterbyu kami ni lolo (nung buhay pa siya)
Abogado - dahil gusto ko’ng ipagtanggol ang naaapi
Side comment: Bulok na to. Iyong mga abogado ng mga kriminal ay mas matalino naman kaysa sa mga biktima. Paano mapaparusahan ang mga nagkasala? Tsaka, mahirap maging abogado no. Good luck. Siguro sa sampung batang nangahas na nagsabing abogado ang pangarap nila, isa lang ang kukuha ng abogasya (at hindi pa sigurado kung tatapusin nya ito o hindi).
SPIN-OFF
Nakakaaliw pagmasdan ang mga matatanda. Panoorin mo silang maglaro ng baraha. Hindi man lang sila makapaglaro nang walang pera.
Hindi nila alam magbisikleta nang merong extrang gulong sa likuran. Hindi nila mabalanse iyong bisekleta kaya tinatanggal nila yung extrang gulong.
Hindi sila makasigaw kaya gumagamit sila ng mga walkie-talkies na may camera, kung minsan nagplaplay ng musc, o kung minsan naman ay may Bluetooth pa daw, Infrared, 3G at kung anu-ano pang itinatawag nila.
Wala silang yaya kaya kailangan nila’ng subuan ang kanilang mga mismong sarili.
Mahina ang kanilang Logic, kung kaya dinededma lang nila iyong Lego Blocks.
Wala silang sense of art kaya kaya hindi sila gumagamit ng crayon kapag nagdradrawing. Ang ginagamit nila ay iyong parang kandilang pangkulay na hindi mo maintindihan kung bakit ang liit-litt.
Wala silang pambili ng Pacifier o nahihiyang mag-thumb suck kaya naghahanap sila ng ibang bagay na maisusubo. Ang pinakapaborito nilang isubo ay iyong yosi. Natutuwa kasi sila sa usok na lumalabas dito.
Masyadong busy ang mga matatanda kaya’t kung minsan ay nakakalimutan na nilang magdasal–bago matulog, pagkagising, bago kumain, etc.
Kung minsan naman ay masyado silang mahiyain at parang ayaw nilang tanggapin sa kanilang mga sarili na si Jesus Christ ay kanilang Papa at kailangang tawagin siya bilang Papa Jesus.
FINALE
May mga bagay sa pagkabata na gusto ko na’ng iwan o iwaksi. Halimbawa, ang pagkain ng mga matatamis, tulad ng cake ng Red Ribbon at tinapay ng Goldilocks. Sa aking murang edad ay narealize ko na ang mga ito ay nakakasira sa ngipin. Take note, all that stays in your mouth for a long time might destroy your beautiful teeth.
Nakakapagod na ring dilaan ang ice cream tuwing summer. Somehow, gusto mo’ng itry dilaan ang ibang bagay. Tulad ng filling ng Oreo Cookies (ang dumi talaga ng isip mo, adult ka nga talaga).
Nagsasawa ka na rin siguro sa mga cartoons gaya ng Dora the Explorer (iyong negrang pasyal nang pasyal). Mas gusto mo na ngayong manood ng adult cartoons gaya ng The Simpsons, King of the Hill at American Dad.
Nakakapagod talagang maging bata. Hindi ka ba na-eexcite na pagkatapos ng tatlong daang araw ay tatanda ka na naman? Maraming bagay ang pwedeng mangyari. Narito ang ilan:
- Papasok ka sa isang night club
- Makikipagshot sa mga barkada at uuwing lasing na lasing
- Magyoyosi ka pagkagising sa umaga, bago matulog, q 4 hours
- Boboto ka tuwing eleksyon at pipiliin mo iyong pinakamaiksi ang pangalan (para less effort, di ba?)
- Hindi ka boboto
- Worse, baka tumakbo ka pa tapos magsosorry sorry ka rin lang naman pala sa huli
- Maggu-guest ka sa Oprah o Ellen
- Kakanta ka kasama ni Celine Dion
- Magiging girlfriend mo si Nikki Gil
- Magiging covergirl ka ng FHM (penge ako copy a)
- Mag-uupload ka ng pics sa FS
- at marami pa’ng posibleng mangyari.
O di ba? MAs masayang maging matanda?
ang haba.. wulah acoh msab.. haha!! :p
Posted by jackie. at July 11, 2009, 5:12 pmAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
hmmm… makes me wonder
iba ang mga random thoughts mo ah
masarap maging bata kasi less worries
pero masarap maging matanda kasi maraming kang magagawa base sa sariling mong opinyon
woot!
Posted by epfi at June 11, 2009, 3:50 pm