Bukod sa gripo juice (tepid water) at pepsi, naadik din ako sa nestea. Nagsimula lahat noong lumipat ako kina lola. flashback. flashback.
Noong ako’y nasa hayskul pa lamang ay hindi nawawala ang pepsi tuwing meryenda, lunch at kung may okasyon. Kung minsan, kapag may nagbebertdey, kinakapalan ko ang aking dati nang makapal na mukha sa pagrerequest na pepsi ang magiging official drink (huh, ano to, Olympics?) ng mga bisita. Ang usual na kasama ng binibili ko dating pepsi ay pansit, yung tinapay na may keso at asukal sa tuktok (kailanman di ko tinanong ang pangalan) o kung minsan naman ay bananacue. Hindi maituturing na healthy ang mga kinakain ko noong ako ay isang uhuging freshman (hayskul). Noong ako ay tumuntong sa junior high (aba, sosyal), iniba ko ang aking diet.
Pinalitan ng chicken mami ang dating magang-magang pansit bihon; ng crossini ang tinapay na hindi ko alam ang pangalan; ngunit ang bananacue ay nandun pa rin. Naging loyal pa naman ako sa pepsi. Hindi ko kasi nagugustuhan ang tamis ng coke at pop (lalo na yung pop) kaya tanging pepsi lamang ang binibili ko’ng sop drink.
Noong mga panahong iyon ay inintroduce din ang Tropicana na sinasabing gawa daw sa tunay na orange. Since Pepsi product din siya, sinubukan ko ang Tropicana for a month. Nasarapan ako noong una (nakakasawa na rin kasi ang Fun Chum, Zest-o at Big) pero noong naglaon ay binalikan ko ang Pepsi cola.
Sa awa ng diyos ay nakatuntong ako (sa wakas) ng kolehiyo. Ngunit ang aking loyalty sa pepsi ay hindi pa rin nawawala…hanggang sa nakatikim ako ng Nestea ng Coca-Cola–ang kalabang mortal ng Pepsi.
(ang mga ingredients.. ang shaker, ang 1L sachet, tubig=pepsi p ung lalagyan, hahaha)
Maliban sa umaapaw na vitamin C, Protein, Carbo at Fats, marami pa’ng benefits ang Nestea sa katawan. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
Ang hindi mawala-walang matamis na lasa sa ngipin at gums. Kahit magsipilyo ako ng tatlong beses ay mayroon parin yung tamis na naiiwan. Kaya tuwing paggising ko, ang pakiramdam ay parang hindi rin ako nagsipilyo ng nakaraang gabi. Kumakapit naman yata kasi yung lasa ng tea sa dila.
Ang sakit ng tiyan kapag inubos ang isang litro nang mag-isa. Magmula noong bumili yung pinsan ko ng tumbler slash shaker, doon na ako lagi nagtitimpla ng iced tea. Yung concentrated na sachet na good for 1 L ay ibinubuhos sa tumbler slash shaker, nilalagyan ng kaunting yelo at binubuhusan ng malamig na tubig. Pagkasara ay pinapaikot ko ang kawawang shaker sa ere. Tsaka iniinom. Ayun.
Frequent Urination. Napansin ko din na magmula noong naadik ako sa nestea ay lagi na lang ako’ng pumupunta ng banyo para jumingle. Kung minsan, bawat oras. Tuwing tag-ulan naman ay bawat 30 minutes. Nakaka-irita actually lalo na tuwing gabi at gusto ko’ng magpaka-fetus sa pagtulog.
May mga nagsasabing ang tea daw ay mabuti sa katawan. Nakakarelax umano ito at nakaka-alis ng toxins. Kung iseserve mo ang tea nang malamig at punung-puno ng yelo, talagang nakakarelax lalung-lalo na tuwing summer. Pero napansin mo ba, hindi na lumalabas sa telebisyon yung Nescafe Ice? Anuman ang dahilan, wala na rin ako’ng interes. Hindi naman ako nagkakape.
Sa kasalukuyan ay nahahati ang aking palate para sa iced tea at sa pepsi. Dalawang magka-ibang produkto ng magkalabang kumpanya. Hindi man kasing-healthy ng gatas o kasing yaman sa minerals at electrolytes tulad ng gatorade, mananatili pa rin ako’ng loyal para sa dalawang inuming ito. Cheers.
nauhaw tauloy ako…tsk tsk LOL
salamat sa visit!
xLINKS?
i used to have that newstea tumbler before.. kaya lang nasira..
try mo ang green tea, i drink it pag di ako natutunawan..
cheers!
Posted by janus at January 7, 2009, 10:21 pmhaha.. oo nga e.. meron pa mnsan nung pnagbawal ng lola q un sa bhay, one month aqng walng stock.. kya sumugod aq s jollibee.. haha
nalink n kta.. hehe XD
Posted by blognijet at January 8, 2009, 8:39 amDiuretic kasi ang iced tea kaya lagi ka’ng naiihi. Actually maganda siya na pangcleanse ng katawan. Mas lagi kang naiihi at mas dire-diretso ang pag-ebak, hehe.. I prefer iced tea than softdrinks pero nakakamiss din miss ang softdrinks kaya umiinom pa rin ako, hehe..
Posted by ark at January 8, 2009, 10:43 amyup.. suki na nga q ng banyo namin at ng skul.. hahaha..
diuretics yan eh kaya frequent yung urination chuva..
Posted by FerBert at January 8, 2009, 2:28 pmhehe.. yup.. i figured out dat much.. ![]()
thanks so much s visit..
XD
weh wag maxado sa pepsi
ehehehe….
hala bata ka pa
masama sa katawan ang maraming softdrinks
jejeks
Posted by ciara at March 26, 2009, 5:07 pm‘jives tau na nestea is so sarap…so refreshing….kaya nga yan ang binibili ko pag nag-gro2cery ako! tapuz ibu2hos ung isang pack sa plastic ng 1.5 liters ng pepsi, o kahit coke.(same tau la2gyan).
Biruin mo sa kasarap nya pati 2loy boarmates nina2kaw un sa ref.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
lab ko din nestea pero kahigh daw ng uric acid.hehehe..
Posted by vanvan at January 6, 2009, 7:09 pm♥