How I wish I had more brain cells--or a bigger brain to accommodate all the data being "forced" to my little head.

Home » Post Item » Ang Aking 10 Point Agenda Ngayong 2009

Ang Aking 10 Point Agenda Ngayong 2009

Sunday, January 4, 2009

Kasi kung sasabihin ko’ng New Year’s Resolution ay parang gasgas na at hindi kapani-paniwala kung kaya iniba ko. Although kahit ang agenda ng ilang pangulo diyan sa tabi-tabi ay hindi rin kapani-paniwala, itong mga sumusunod ay kailangang paniwalaan. Dahil susubukan ko’ng tutuparin ang mga ito. Sa ikabubuti ng aking grades. Bow.

Kumain ng mas marami. Unang-una iyan. Pati tatay ko ay tinatawag na din ako’ng payat kaya kailangan ko nang magkalaman. Nakakahiya sa mga klasmeyts lalo na kung mayro’ng outing at maliligo kami sa pool. Patpatin daw ako. Sus. Hindi naman a. Pero dahil iyon ang pinakanaririnig ko sa mga bibig nila araw-araw (at nababasang text messages at sa ym na rin paminsan-minsan), pagbibigyan ko sila at kakain ako ng marami-rami ngayong taong ito. Whew.

Magbedmaking palagi. Nakakahiya. Nililigpit ko yung kama dun sa GS Lab pero sarili kong kama hindi ko maayos-ayos.

Magload. Dahil sa tila pang-habambuhay na ata ang promo ng Smart na Unli, maraming beses na ako’ng kinulit ng mga klasmeyt (at ng tatay ko) na magtext. Oo nga naman. Nagpabili ako ng phone pero hindi ko ginagamit bilang phone. Wala lang. Pang-alarm, pang-music, pampatulog, pang-calcu sa physics, pang-convert. Matagal-tagal na rin noong huli ako’ng nagtext. Kaya ngayong taon na ito, susulitin ko na ang aking load.

Magdasal bago matulog, pagkagising, bago magquiz, etc. No comment. Basta no comment.

Ugaliing magdala ng alcohol. Dahil tila mailap ang mga faucet sa lorma, kailangan ko’ng magdala ng alcohol or sanitizer. Pero dahil hindi ko afford ang sanitizer, alcohol na lang. Tutal wala din naman silang kuwenta pareho. ^_^

Magreview bago exams. Lalo na pagdating ng compre. May mga oras kasi na nagiging carefree ako pagdating sa mga subjects ko. Alam mo yun, yung mentality na kung pasado naman, aanhin pa ang sobra? Pero napag-isip-isip ko na kung marami ang kasabayan ko’ng nurses balang araw, mas madali siguro ako’ng makakapasok sa trabaho kung makakahakot ako ng mga line of 9s. O kahit line of 8s na rin, pwede na.

Mag-update ng anti-virus. Kung bakit naman kasi natutuwa ang ilang tao sa pangangalat ng virus. 

Huwag i-snooze ang alarm clock. “Fifteen minutes pa. Fifteen minutes pa.” Ito lagi ang nasasabi ko kapag ginigising na ako ng alarm ng phone ko. Kaya usually, haggard ako’ng pumapasok sa klase. Thirty-minutes lang ako’ng nagpreprepare, hayaan na ang breakfast. At dahil dun, nangayayat ako. Kaya kailangan ko’ng isuper-adjust ang aking brain clock. Kawawa ang katawan ko.

Manood ng news. Ito lagi ang ginigiit ng tatay ko noong nasa elementarya pa ako at naaadik sa Ghost Fighter at Dragon Ball Z. Kapag cartoons kasi dati sa GMA ay balita naman sa ABS kaya nagtatampo ako dati sa tatay ko kapag dumadating siya pagkagaling sa opisina. Ngayong papatanda na ako (at papatangkad pa lalo), natutunan ko’ng may mga higit na mahahalaga palang mga palabas kaysa sa mga anime. Nakakahiya ding isipin na nahuhuli ka sa balita tuwing classroom discussions. Ayoko’ng magpakapilosopo sa instructor ko. Mahirap na’ng magmagaling.

At higit sa lahat, ngumiti. Matanda daw ako’ng tignan kahit batang-bata pa ang edad ko. At isa daw na contributing factor dito ay ang hindi ko pagngiti. Seryoso daw akong tignan at mukhang hindi approachable. Oo nga no. Kapag ngumingiti ako ay parang plastik at sarkastiko. Pangit palang tignan. Kaya kailangan ko ng magpapasaya sa’kin ngayong taong ito.

Mangyayari kaya ang lahat ng ito? Malamang. Kung hindi kaya’ng pagsabay-sabayin ay dadahan-dahanin. Hindi ba?

Posted by blognijet at 5:37 pm | permalink

Previous Comments

nice one pre..hope mgtuloy tloy ung adhikain mo..hehehehe..

Posted by fredthirst at January 5, 2009, 12:36 pm

hahaha.. thanks fred.. sna nga.. :) )

Posted by blognijet at January 6, 2009, 12:02 pm

Tama ung 3rd! Tama! Magload kna lage. Hahahaha! missyouuu Jet :D

Posted by pot at January 8, 2009, 4:43 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment